NANANATILING nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 27 lugar sa Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
May lugar lamang na tinutukoy na sakop ng SCLA at hindi ang buong barangay.
As of May 11, 2021, iniulat ng Quezon City na ang mga lugar na sakop ng SCLA ay ang isang lugar sa Scout Gandia St., Brgy. Sacred Heart; isang lugar sa Iriga St., Brgy. Sta. Teresita; bahagi ng Gen. Yengco, Brgy. Bagong Silangan; isang lugar sa Del Mundo St., Saint Martin Village, Brgy. Talipapa; isang lugar sa Lazaro St., Lazaro-Soriano Compound, Brgy. Tandang Sora; isang lugar sa Road 2, Lakas St., Brgy. Matandang Balara; bahagi ng Village A, Brgy. UP Campus; bahagi ng Angeles St., Brgy. Krus na Ligas; bahagi ng Gen. Capinpin St., Brgy. Bagong Silangan; isang compound sa Aurige St., Brgy. Sangandaan; bahagi ng Gen. Francisco St., Brgy. Bagong Silangan; isang lugar sa Services St., Brgy. Sangandaan; bahagi ng Ocampo St., Brgy. UP Campus; bahagi ng Malambing St., Brgy. UP Village; isang lugar sa 13th St., Brgy. Damayan Lagi.
Kasama rin sa nasa ilalim sa SCLA ang isang lugar sa Road 5, Brgy. Pag-asa; bahagi ng Road 23, Brgy. Bahay Toro; isang bahagi ng P. Pelaez St., Brgy. Villa Maria Clara; isang lugar sa Calavite St., Brgy. San Isidro Labrador; isang lugar sa Laura St., Brgy. Matandang Balara; bahagi ng Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay; bahagi ng Ilocos Norte St., Brgy. Alicia; isang lugar sa Iba St., Brgy. Salvacion; apat na lugar sa Broadway St., Brgy. Kristong Hari; isang lugar sa 10th Avenue, Brgy. Socorro, at bahagi ng Lizardo St., Brgy. Dioquino Zobel.
Ang mga lugar na ito pinamamahagian ng lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine o higit pa kung kinakailangan. (JOEL O. AMONGO)
