2ND ESKWELA WEBINAR IHO-HOST NG GLOBE, DEPED

SA pagpapalawig sa Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa Abril 30, patuloy na sarado ang mga eskuwelahan dahilan para maramdaman ng maraming mag-aaral at kabataan, kasama ang kanilang mga magulang at pamilya, ang epekto ng semi-isolation.

Ang pandemya ay isang hamon sa educational institutions na nasa magkakaibang yugto ng paglinang at pagpapatupad ng kanilang online learning capabilities. Isa sa kagyat na dapat gawin ng education industry ay ang tugunan ang pangangailangan na pagkalooban ang kanilang mga guro ng tamang instrumento at pamamaraan sa pag-maximize at paggamit ng digital learning habang nananatiling ‘connected, informed’ at #SafeAtHome.

Nakipagpartner ang Globe myBusiness sa Department of Education (DepEd) para sa ikalawang E-skwela Webinar session sa Abril 21, Martes, 10 a.m. to 11 a.m. via Zoom na may temang “Making Homes the Extended Classroom: Parent-Teacher Collaboration in the time of COVID-19.”

Ang E-skwela series ay para sa faculty members at parents upang tulungan silang mapagsama ang technology tools at interactive activities sa tahanan na sinadyang ‘experiential, collaborative at reflective’ upang ma-maximize ang learning experience.

Mangunguna sa talakayan ang mga kilalang educators, thought leaders, at technology experts, kabilang sina Alain Del Bustamante Pascua, Undersecretary ng DepEd, at Ginger Arboleda, Co-Founder and COO ng Taxumo Inc. at CEO ng Manila Workshops. Sasamahan sila ng mga kinatawan mula sa Globe: Mark Arthur Payumo Abalos, Education Industry Lead and Learning Technologies Scholar; Michelle Peralta, Campaign and Communication Strategist at Founder and Moderator ng Fab Inay; at Miguel Martin Bermundo, Head of Citizenship and Advocacy Marketing Division.

Tatalakayin ng panel ang mahahalagang katanungan tulad ng kung paano hinaharap at nakakayanan ng mga magulang at ng kanilang school-age kids ang krisis; ano-anong aktibidad ang maaaring magkasamang gawin ng mga magulang at kanilang mga anak bilang bahagi ng learning experience ng mga kabataan; ano-anong hamon ang kanilang naobserbahan at naranasan gamit ang teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa tahanan sa panahong ito; paano nila ma-maximize ang learning time sa kanilang mga anak sa bahay; at kung paano magtutulungan ang mga magulang at mga guro upang isulong ang tuloy-tuloy na pag-aaral sa bahay.

Ang Globe myBusiness, sa pakikipagtulungan sa DepEd, ay patuloy na itinataguyod ang paggamit ng teknolohiya upang lumikha ng future-ready schools at educational institutions. Kabilang sa information and communications (ICT) services na itinulak ng telco ay high-quality connection, automated school administration tools, at advanced learning management systems (LMS).

Bukod sa pagpapadali sa school operations at pagpapabilis sa digital learning, ihahanda rin ng ICT ang mga estudyante na maging globally competitive ngayon at sa kanilang pakikipagsapalaran sa hinaharap.

Magpatala sa webinar nang libre via glbe.co/eskwela2. Para sa karagdagang impormasyon sa nagpapatuloy na pagsisikap ng Globe upang manatiling connected, informed at #SafeAtHome ang bawat isa, bumisita sa https://www.globe.com.ph/stay-safe-at-home.ht.

190

Related posts

Leave a Comment