BATANGAS – Tatlong bayan sa lalawigang ito ang muling idineklara ng Provincial Veterinary Office bilang African Swine Fever free na.
Ayon kay Assistant Provincial Veterinarian Dr. Rafael Baculi, ang mga bayang ito ay ang Calaca, Mataas na Kahoy at Talisay.
Aniya, malaking bagay sa kanilang lalawigan na mapuksa ang nasabing virus na kumalat sa mga alagang baboy dahil kabilang ang nasabing mga bayan sa pangunahing pinagkukunan ng mga karne ng baboy.
Inaasahan ni Director of the International Training Center on Pig Husbandry Dr. Ruth Miclat-Sonaco ng National Livestock Program, na madaragdagan pa susunod na mga araw ang mga lugar sa bansa na idideklarang ASF free na. (CYRILL QUILO)
