3 KILO NG MARIJUANA INIWAN SA APARTMENT

CAVITE – Umabot sa mahigit sa tatlong kilo ng hinihinalang marijuana ang nadiskubre sa isang apartment na inalisan ng isang lalaking nangungupahan dito sa Brgy. Aldiano Olaes, sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigan noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang madiskubre ng may-ari ng apartment na kinilalang si alyas “Al”, negosyante, ng Brgy. Aldiano Olaes, GMA, Cavite, ang isang plastic bag sa kusina ng nasabing apartment.

Aniya, lilinisin sana niya ang apartment na inalisan ng suspek na kinilalang si alyas “Badong” nang makakita ito ng isang plastic bag sa bandang kusina na apartment.

Inakala umano nito na basura ang laman nito subalit nang buksan ang nasabing plastic ay tumambad ang mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Tinatayang aabot sa mahigit tatlong kilo ang timbang ng marijuana na agad nitong ini-report sa himpilan ng pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

103

Related posts

Leave a Comment