3 LAGLAG SA ANTI-CRIMINALITY CAMPAIGN NG PNP-PRO5

TATLONG indibidwal ang nadakip sa inilunsad na anti-criminality campaign ng mga tauhan ni PNP Regional Police Office 5 Regional Director Jonnel C. Estomo sa Bicol Region.

Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, sa probinsya ng Camarines Sur, positibo ang ikinasang law enforcement operation ng pinagsamang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Ragay MPS sa Brgy. San Rafael, Ragay laban sa dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kinilala ang mga ito na sina Richard Porlaje y Losande, at Eduardo Porlaje y Janiel, parehong residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska sa pangangalaga ng mga ito ang isang kalibre .38 revolver TM Armscor na walang serial number at kargado ng anim na bala at dalawang air rifle.

Samantala, sa bayan naman ng Pili, nadakip ang isang 23-anyos na lalaki ng mga operatiba ng Pili MPS dakong 12:20 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong theft na ipinalabas ng MTCC, Branch 1, Iriga City, Camarines Sur noong Setyembre 21, 2021.

Tinukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na si Rodolfo Ortega Naldo, alyas “Amros,” may asawa at residente ng Zone 5, Brgy. Tagbong, Pili.

Nakuha sa suspek ang isang selyadong pakete ng plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo na tinatayang P36,000 ang street value.

Bukod dito, nakumpiska rin sa mga suspek ang walong Indian arrows; isang rubber sling; isang kalibre .38 na walang serial number at

kargado ng bala; at isang cartridge case para sa caliber .38.

Bukod sa theft ang nahuli ay nahaharap din sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.

“Patuloy na paiigtingin ng mga kapulisan ang paglulunsad ng iba’t ibang operasyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa rehiyon.

Makakaasa po kayo na kami ay nakabantay at nakamatyag sa ating kapalibutan upang maagapan ang karahasan at ilegal na gawain sa Bicol,” ayon kay P/BGEN. Estomo. (JESSE KABEL)

 

422

Related posts

Leave a Comment