3 MANGINGISDA NIRATRAT SA LAOT

CAMARINES SUR – Ipinasisiyasat ng PNP-Regional Police Office 5 ang pagkakakilanlan ng armadong kalalakihan na namaril sa tatlong mangingisda sa bayan ng Tinambac sa lalawigang ito.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga biktimang sina Francis Gamura, Eduardo Dulay at Jessie Marinay, pawang mga residente ng Calabanga ng nasabing lalawigan.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Camarines Sur PNP, habang tinutunton ng mga biktima ang kinaroroonan ng iniladlad nilang lambat habang sakay ng fishing boat na MB Marylyn 1, biglang dumating ang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay naman ng maliit na bangka, at sila ay pinagbabaril. (JESSE KABEL)

168

Related posts

Leave a Comment