3 PATAY, 2 SUGATAN SA AMBUSH SA CAGAYAN

CAGAYAN – Dead on the spot ang tatlong kalalakihan habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan matapos tambangan ng armadong kalalakihan sa Barangay Naddungan, sa bayan Gattaran sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat na ibinahagi ng Cagayan PNP, bandang alas-10:00 ng umaga, pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang sinasakyang van ng mga biktima.

Patay sa pamamaril ang magkapatid at isang hindi pa kinilalang lalaki habang itinakbo naman sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa pang sugatan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lulan ang mga biktima ng isang Chevrolet sport utility vehicle na may License Plate No. TLW-188, nang dikitan ng asul na Hyundai Reina SUV at pinagbabaril ng tatlong gunman ang mga pasahero ng sasakyan.

Matapos paulanan ng bala ay ibinaba pa ng mga suspek ang mga namatay palabas ng SUV at saka sumakay ang mga ito at ginamit itong getaway vehicle sa kanilang pagtakas patungong direksyon ng Cagayan.

Kasalukuyan inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa Cagayan PNP, may mga lead at person of interest na silang sinusundan hinggil sa ambush. (JESSE RUIZ)

41

Related posts

Leave a Comment