3 PATAY SA BUY-BUST SA QC

PATAY ang tatlong suspek matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation nitong Martes sa Quezon City.

Ayon kay PDEG spokesperson Lt. Marlon Sy, target ng PNP Drug Enforcement Group ang grupo matapos tangkaing i-estafa ang mga operatiba gamit umano ang “double-cross” modus.

Nasa target list at intelligence packet na umano ang mga hindi muna pinangalang suspek mula pa noong Agosto. Pero nang ibunyag ang buy-bust money, bigla umanong nagpaputok ang lider, dahilan para mauwi sa palitan ng putok.

Nakawala naman ang isa pang kasamahan nila at patuloy na pinaghahanap ng otoridad.

Sugatan din ang isang police personnel ng PNP-DEG at isang confidential informant nang tamaan ng bala sa kamay.

Kamukha umano ng isa sa grupo ang lider ng Limjoco Robbery Group na naaresto noong 2017, pero subject for verification pa.

Sa lugar ng engkwentro, nasamsam ang dalawang caliber pistol, isang revolver, at mga pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa 10 kilo o halos P68 milyon ang halaga.

(TOTO NABAJA)

116

Related posts

Leave a Comment