NAGDULOT ng kamatayan ng tatlong indibidwal at lima ang sugatan sa pananalasa ng habagat nitong nakalipas na mga araw.
Paglilinaw naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, walang kaugnayan sa landslide o pagbaha ang naiulat na casualty.
Sa ulat ng NDRRMC, dalawa sa mga nasawi ay mula sa Region na na kapwa tinamaan ng kidlat habang ang isa ay nabagsakan ng punongkahoy sa bahagi ng Kennon Road sa Cordillera Administrative Region.
Nasa mahigit apatnapu’t apat na indibidwal naman ang inilikas at nanunuluyan sa evacuation centers nationwide.
Sa gitna ng inaasahan pa ring mga pag-ulan sa susunod na mga araw ay nagpaalala ang NDRRMC sa publiko na patuloy na mag-ingat.
Nabatid na nasa 526 pamilya sa lungsod ng Maynila ang inilikas.
Ang mga ito ay mula sa District 1 partikular sa Isla Puting Bato, Brgy. 101 at 128.
Nasa 84 naman sa District 3 na pawang mga residente ng Parola habang 287 pamilya sa District 5 na mula sa Brgy. 661 at sa Baseco Compound ang inilikas. (JESSE KABEL)
203 