3 TRUCKER PATAY, 3 PA SUGATAN SA 2 AKSIDENTE SA QUEZON

QUEZON – Dalawang truck driver at isang pahinante ang nasawi, habang tatlong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na sakuna sa lansangan sa lalawigan.

Ayon sa ulat ng Quezon PNP nitong Martes, bandang alas-5:30 ng umaga, namatay ang driver at pahinante nang mawalang ng kontrol sa minamanehong win-van truck habang binabagtas ang kurbadang bahagi ng Quirino highway sakop ng Barangay San Vicente sa bayan ng Tagkawayan.

Dead on the spot si alyas “William” at helper nito nang bumangga ang kanilang truck sa isang poste bago nagtuloy tuloy-at sumalpok sa isang puno at tumama pa sa isang tindahan sa tabi ng kalsada.

Una rito, isang wing-van truck din na minamaneho ni alyas “Edwin”, ang nawalan ng preno habang pababa sa kurbadang daan ng bypass road sa Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Atimonan noong Lunes ng umaga.

Dahil sa bilis ng takbo sa palusong na kalsada, natakot ang driver ng truck at tatlong pahinante nito kaya nagpasyang lumundag subalit sa kasamaang palad ay nahagip si Edwin ng hulihang gulong ng truck.

Nagawang pang masaklolohan agad ang mga biktima at itinakbo sa pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na rin ng hininga ang driver nito.

(JESSE RUIZ)

50

Related posts

Leave a Comment