302 pagyanig sa loob ng 24-oras TAAL VOLCANO TULOY SA PAG-AALBOROTO

LAGUNA – Mahigpit ang pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Taal dahil sa patuloy na pamamaga ng lupa sa paligid nito matapos muling makapagtala ng halos 302 pagyanig sa loob lamang ng 24-oras.

Nagkaroon ng 184 episodes ng volcanic tremor na tumatagal ng halos 12 minuto at nakapagtala ng 118 low frequency volcanic earthquakes na hindi naman naramdaman halos ng mga residente.

Nakapagtala rin ng sulfur dioxide emission na may average na 925 tons bawat araw.

Nananatili sa alert level 2 ang nasabing bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ. (CYRILL QUILO)

247

Related posts

Leave a Comment