NADAGDAGAN pa ang mga kalsada na sarado sa mga motorista dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nasa 32 road sections na ang hindi madaanan .
Partikular ang apat na kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), dalawa sa Region II, dalawa sa Region III, anim sa Region IV-A, 17 sa Region V at isa sa Region VII dahil sa pagguho ng lupa, pagbaha, landslide, bumagsak na puno, bato, debris at tulay.
Limitado naman sa mga sasakyan ang 14 road sections: isa sa Region III, apat sa Region IV-A, at siyam sa Region V dahil sa soil/rock collapse, road collapse, at pagbaha.
Lahat ng national roads at tulay sa iba pang apektadong rehiyon ay passable sa lahat ng uri ng mga sasakyan sa ngayon. (JOCELYN DOMENDEN)
