35K MANILA RESIDENTS NAGPATALA PARA SA FREE COVID VACCINE

SINIMULAN na noong Sabado ang pagpaparehistro sa Maynila para sa libreng bakuna ng COVID-19, na umabot sa 35,491 katao.

Ang mga naturang Manilenyo ang makikinabang sa P250 milyon inilaang budget ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, maaaring makapagparehistro sa https://manilacovid19vaccine.com, ang nagnanais na maka-avail ng libreng bakuna dahil ang rehistrasyon ay binuksan mula pa noong Disyembre 31, 2020.

Nabatid sa alkalde, ang lokal na pamahalaan ng lungsod ay lumagda sa isang kasunduan sa Pfizer at AstraZeneca, international pharmaceutical companies, na nakapag-develop ng bakuna laban SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID-19.

Sa kabila na ang dalawang vaccines ay ginagamit na sa ibang mga bansa, ang lokal na Food and Drug Administration (FDA) ay hindi pa inaaprobahan ang emergency use authorization (EUA) sa anumang kandidatong bakuna.

“With the help of God, I hope that in the coming days, weeks or months, we will be able to sign an advance marketing commitment contract to acquire and reserve for the initial 400,000 dosages of vaccines for 200,000 residents of Manila,” ayon pa sa alkalde. (RENE CRISOSTOMO)

121

Related posts

Leave a Comment