CALAMBA CITY, Laguna-Tinatayang 3 milyong residente ang target mabakunahan ng Department of Health – Calabarzon sa 3-day National Vaccination na magsisimula ngayong araw hanggang sa Miyerkoles.
Nakahanda na ang vaccination teams na magpo-focus sa mga lugar na may mabababang vaccination coverage at target na makapagbakuna ng 1 milyon kada araw.
Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Ariel I. Valencia, kabilang ang GIDA o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na target at island communities na kanilang aasistehan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga residente.
Sinabi pa ni Valencia, ligtas ang lahat ng brand ng bakuna kaya’t iwasan na ang mamili.
Makikipagtulungan din ang local government units (LGUs) na may 174 grupo ng mga bakunador kaya’t hinihikayat nito ang lahat na makiisa at lumahok sa tatlong araw na bakunahan na sabayang gaganapin sa buong bansa.
