4 BINITBIT SA P61K SA CAVITE

CAVITE – Binitbit ng Cavite Police ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasamsam ang tinatayang P61,200 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Angelica Torrecampo y Pojas, Christopher Florantes y Apolinar, Victor Algabe y Arcilla, at Mary Jhane Garcia y Florido, pawang nasa hustong gulang.

Nabatid sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police Station (CPS) sa Mongos St., Brgy. Zapote 5, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Torrecampo at nakumpiska ang apat na gramo ng umano’y shabu na may street value na P27,200.

Muling nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DEU ng Bacoor CPS sa Brgy. Queen’s Row East ng naturang lungsod dakong alas-5:00 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto kina Florantes, Algabe at Garcia at nasamsam ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P34,000. (SIGFRED ADSUARA)

155

Related posts

Leave a Comment