4 new deaths naitala COVID CASES SA QC HALOS 13,000 NA

MULING nakapagtala ng apat na bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City, ayon sa sa pinakahuling report ng nasabing lokal na pamahalaan.

Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin hanggang nitong Setyembre 5, may apat na bagong namatay sa coronavirus disease sa lungsod.

Ito ay nagresulta sa kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19 ng siyudad sa bilang na 442.

Nabatid sa ulat, hanggang nitong Setyembre 5, ang ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay umabot na sa 12,980.

May karagdagang 285 cases na naisama sa 12,695 noong Setyembre 4, 2020 na nagresulta sa kabuuang bilang na 12,980.

Ang active COVID-19 cases o hindi pa gumagaling sa siyudad ay nasa 2,458.

Ayon pa sa report, hanggang sa nabanggit na petsa, nakapagtala ng 170 bagong gumaling na nagdala ng kabuuang bilang ng nakarekober sa COVID-19 sa bilang na 10,080.

Samantala, nabawasan naman ang mga lugar sa Quezon City na nananatiling nasa ilalim ng special concern lockdown.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng #55 Serrano Laktaw St. sa Doña Aurora at #5 Col. Salgado St. sa West Kamias. (JOEL O. AMONGO)

160

Related posts

Leave a Comment