Upang umusad ang AFP modernization program P300-B BAYAD NG BCDA SA AFP, PINAKUKUMPLETO

OBLIGADONG buuin na ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang P300 bilyong bayad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matuloy ang modernisasyon ng organisasyong militar.

Hiniling ito ni Senadora Ana Theresia Hontiveros makaraang ibunyag ng bagong AFP chief of staff na si Lt. Gen. Gilbert Gapay na P32 bilyon pa lamang ang naibibigay ng BCDA sa AFP mula sa kabuuang P300 bilyong kinita sa pagbenta ng mga lupa ng sandatahang lakas.

Si Vivencio “Vince” Dizon ang pangulo at chief executive officer ng BCDA.

Si Dizon din ang presidential adviser on flagship programs and projects ng administrasyong Duterte.

Itinalaga rin siyang coronavirus disease 2019 testing czar ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“In the CA (Commission on Appointment) hearing, it became clear that the BCDA has so far only submitted around P32 billion in remittances. That is only ten percent of the estimated P300 billion needed to implement pending AFP modernization projects. Ang nipis ng halagang iyan at hindi kayang pondohan ang bawat barko, eroplano, weapon systems at ibang kagamitan na kailangang-kailangan ng ating kasundaluhan.”

“Hindi dapat madiskaril ang modernisasyon ng ating sandatahang lakas dahil lang sa kawalan at kabagalan ng pondo. It is unacceptable that the BCDA is able to remit what is at best, only one-tenth of the actual funds needed by the Armed Forces of the Philippines (AFP) to upgrade our military capabilities,” wika ni Hontiveros.

Ang P32 bilyon ay sampung porsiyento lamang ng P300 bilyon.

Ngunit batay sa ulat ng BCDA noong 2018, pumapalo sa 50 porsiyento hanggang 72.5 porsiyento ang naibibigay ng BCDA sa AFP.

Ang pinag-uusapang bilyon-bilyong pera ay alinsunod sa itinakda at ipinag-utos ng Republic Act 7898, o AFP Modernization Act, na ibabayad ng BCDA sa AFP ang kinikita sa pagbebenta ng mga lupang pag-aari ng sandatahang lakas na siyang magsisilbing pondo sa modernisasyon ng AFP.

“The Jolo bombings and the continued aggression of China in the West Philippine Sea highlight the need to vastly improve the AFP’s capability to meet all threats to the rights and security of Filipinos. Hindi dapat kulang at mabagal ang pagdating ng pondo para sa AFP modernization, dahil buhay ng taumbayan at kasarinlan ng bansa ang nakataya dito,” patuloy ng senadora hinggil sa pangangailangang dagdagan ng BCDA ang bayad nito sa AFP. (NELSON S. BADILLA)

268

Related posts

Leave a Comment