IPAGDIRIWANG sa Hunyo 15, araw ng Linggo, ang ika-40 anibersaryo ng Day by Day Jesus Ministry na gaganapin sa Space One, Ayala, Makati City
Itatampok sa pagdiriwang ang isang espesyal na Prayformance ng KALOOB Dance Ministry sa ganap na alas-3:00 ng hapon, na magpapakita ng pagsamba sa pamamagitan ng cultural dance at musika.
Ang milestone event na ito ay bilang pagpaparangal sa apat na dekada ng pananampalataya, komunidad, at paglilingkod sa Diyos, sa pangunguna ng Punong Pastor at Tagapagtatag nito na si Dr. Ed Lapiz.
Layunin ng samahan na magkaisa ang sambayanang Pilipino.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isasagawang pasasalamat at pagdiriwang.
(RENE CRISOSTOMO)
