DAVAO del Sur – Patay na nang matagpuan ng kanyang ina ang isang 44-anyos na lalaki makaraang magsaksak sa sarili sa kanilang bahay sa Purok 19, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Magsaysay sa lalawigang ito, nitong Huwebes.
Kinilala ni Major Jeffmar Tercero, hepe ng Magsaysay Municipal Police Station, ang biktimang si Jessie Suson Negrito, may asawa, ng nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, sinabi ng ina na si Rolina Fonda Susun, 72-anyos, natagpuan niya ang biktimang duguan at may sugat sa tiyan.
Sinabi ni Tercero, wala silang nakitang “foul play” sa insidente kaya posibleng nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang tiyan.
Napag-alaman na matagal nang iniinda ng biktima ang sakit na nararamdaman dahil sa gout.
Agad dinala sa punerarya sa Digos City ang bangkay ng biktima upang isailalim sa postmortem investigation. (DONDON DINOY)
332 