RIZAL – Walong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob sa goyerno makaraang makipagnegosasyon noong Martes.
Nangyari ito makaraan ang pulong ang Local Peace Negotiating Panel na inaprubahan ng Oriental Mindoro Provincial Peace and Order Council noong nakaraang Linggo.
Sumuko sa puwersa ni Brig. Gen. Antonio Lastimado, commander ng 203rd Infantry Brigade, ang anim ng mga rebelde mula sa Oriental Mindoro habang dalawang rebelde rin ang sumuko mula sa San Jose, Occidental Mindoro.
Patuloy ang pagdagsa ng mga sumusuko sa Regional Task Force to End-Local Communist Armed Conflict o RTF ELCAC sa Mimaropa bilang pagtupad sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang rebeldeng komunista na humahadlang sa pag-unlad ng bansa.
Samantala, sumuko ang mga rebelde dahil sa hirap na kanilang naranasan sa pakikipaglaban sa mga tropa ng gobyerno at pagtatago sa mga kabundukan at maling paniniwala sa mga walang katotohanang pangako ng kanilang mga lider.
May ilang pang mga rebelde mula sa Bondoc Peninsula ang sumuko sa Unisan, Quezon noong Lunes.
Kinilala ni Brig. Gen. Norwyn Romeo Tolentino, commander ng 201st Infantry Brigade, ang isang sumuko na si Regie Helena alyas Renz Andaya, miyembro ng NPA Platoon Sol. (CYRILL QUILO)
207 