DIPOLOG City – Mistulang tinupi ang sports utility vehicle na sinasakyan ng isang totoy habang sugatan ang apat na iba pa nang sumalpok ang nasabing sasakyan sa 10-wheeler truck, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lungsod na ito.
Kinilala ang namatay na si Keith Andrei Nayal, 13-anyos, habang sugatan si Merlinda Macawili, driver ng SUV, at tatlo pang mga kasama.
Batay sa report ng Dipolog City Police Station, nangyari ang insidente sa Purok Dela Paz, Brgy. Sicayab, ng nasabing lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon, papunta sa Dapitan City ang ang mga biktima para dumalo sa birthday party nang biglang pumutok ang gulong ng SUV na minamaneho ni Macawili.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver sa manibela at sumalpok ito sa kasalubong na 10-wheeler truck kaya halos nayupi ang sasakyan.
Agad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit kalaunan ay namatay si Nayal sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)
437 