4K PARTY-LIST SINISIRAAN, BIKTIMA NG FAKE NEWS

TARGET NI KA REX CAYANONG

NGAYONG panahon ng kampanya kung kailan dapat ay ipinapakita ng bawat isa ang tunay na hangarin sa bayan, nakakalungkot na may mga indibidwal at grupo na pinipiling mamulitika sa pamamagitan ng paninira.

Kamakailan lamang, isang umano’y pekeng video ang kumalat sa social media na nagpaparatang ng vote-buying laban sa 4K Party-list.

Isa raw itong malinaw na tangkang dungisan ang pangalan ng isang organisasyong matagal nang naglilingkod sa kababaihan at pamilyang Pilipino.

Ayon sa opisyal na pahayag ng 4K Party-list, ang video na kinunan sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City ay malinaw na inedit daw upang palabasing sangkot ang kanilang hanay sa ilegal na aktibidad.

Mariin nilang itinanggi ang paratang at iginiit na wala silang kinalaman sa naturang kaganapan. Ang kanilang tagumpay, anila, ay hindi bunga ng panloloko kundi ng tunay na serbisyo, pawis, at sakripisyo ng kanilang mga miyembro at volunteers.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang 4K Party-list ay matagal nang nagsusulong ng mga programang nakatuon sa kabuhayan at hanapbuhay ng kababaihan.

Saksi raw ang bayan sa kanilang mga proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa. Kaya’t hindi kataka-takang marami ang boluntaryong sumusuporta sa kanilang adhikain—gutom man o pawis ang puhunan, masaya silang lumalahok dahil naniniwala sila sa layunin ng grupo.

Mula sa mga komento ng kanilang mga tagasuporta, malinaw ang damdamin ng mga volunteers—sila ay naninindigang walang kapalit ang kanilang suporta.

Hindi sila binabayaran. Ang kanilang ginagawa ay mula sa puso. At para sa kanila, ang 4K ay simbolo ng tunay na malasakit at serbisyo sa bayan.

Ito ay isang paalala sa ating lahat: sa panahon ng fake news, ang katotohanan ay dapat pinangangalagaan.

Kaya sa panahon ng disinformation, ang boses ng masa ay dapat marinig. Huwag nating hayaang malunod ang mga mabubuting layunin sa ingay ng paninira.

Sabi nga, ang eleksyon ay dapat maging isang sagradong proseso ng pagpili ng mga karapat-dapat.

Hindi ito larangan ng paninirang puri. At sa huli, ang totoo ang mananaig. Ang mga gumagawa ng kasinungalingan ay mananagot—hindi lamang sa batas, kundi sa konsensya ng sambayanang Pilipino.

Magsilbi sanang paalala ito sa bawat mamamayan: Maging mapanuri. Huwag basta maniwala sa mga video na walang sapat na ebidensya.

Kilalanin ang tunay na naglilingkod. Suportahan ang mga grupo at lider na tunay na may malasakit, tulad ng 4K Party-list!

25

Related posts

Leave a Comment