5 NASABAT SA P.2-M SHABU SA CALOOCAN, VALENZUELA

ARESTADO ang limang hinihinalang drug pusher makaraang makumpiskahan ng halos P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela.

Dakong alas-4:00 noong Miyerkoles ng madaling araw nang isagawa ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang operasyon sa King Arthur St., Brgy. 188 sa nasabing lungsod kung saan nasakote sina Jalal Lotao alyas
“Dagul”, 21; Ismael Radiamoda, 27, at Criselle Sison, 23-anyos.
Nasamsam sa tatlo ang 20 gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P136,000, at buy-bust money.

Samantala, alas-11:00 noong Martes ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Valenzuela City Police sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales ang suspek na sina Anjo Serfino, 28, mekaniko, at Amjad Mahmoud, 26, online seller.

Nakumpiska sa dalawa ang walong gramo ng umano’y shabu na tinatayang P54,400 ang halaga, P500 buy-bust money, P640 cash, dalawang cell phones at isang pitaka. (ALAIN AJERO)

271

Related posts

Leave a Comment