CAVITE – Umabot sa halagang P345,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Francis Hayag y Remolador, nasa listahan ng HVIs; Vincent Nazareno y Baltazar; Darius Icoy y Duyan; Rona Buenavista y Rubio, at Auria Lorelei Leaching y Lirio.
Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas City Police sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P345,000, buy-bust money ang isang cellular phone.
Kasong paglabag sa Sec. 5, at Sec. 11 ng RA 9165 ang kinahaharap ng mga suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
