DUTERTE YOUTH PL: PANATIKO NI DIGONG HINDI YOUTH REP

PANATIKO ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Duterte Youth party-list, ayon sa isa sa mga nominee ng Gabriela party-list na si Amihan secretary general Cathy Estavillo ukol sa kaso ng nasabing party-list group na kinansela na ng Commission on Elections (Comelec) ang registration.

“Duterte Youth is a bogus party-list that not only lies about representing the youth sector but is also complicit in violence against it, through a history of relentless red-tagging, support for military presence and propaganda in schools, and its fanaticism for the fascist mass-murderer and criminal Duterte,” ani Estavillo.

Dahil dito, tama lamang aniya ang Comelec na kanselahin ang kanilang registration dahil walang puwang ang Duterte Youth sa Kongreso o maging sa lipunan.

Magugunita na sa botong 2-1, kinansela ng Comelec 2nd Division ang registration ng Duterte Youth dahil sa paglabag umano nito sa Party-List System Act nang una itong sumali sa eleksyon noong 2019.

Sa dalawang nagdaang Kongreso, nakakuha ng isang upuan ang Duterte Youth subalit nitong 2025 election ay nakakuha ang mga ito ng 2.3 million votes kaya may nakareserbang 3 silya sa kanila sa 20th Congress.

Gayunpaman, dahil sa desisyon ng Comelec, hindi makauupo ang mga kinatawan ng Duterte youth sa 20th Congress maliban kung ipag-uutos ng Korte Suprema.

Samantala, umapela rin si Estavillo na suportahan ang panawagan na labanan ang mga pekeng party-list organization na parami nang parami ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

(BERNARD TAGUINOD)

11

Related posts

Leave a Comment