50K UNIFORMED RESPONDERS IKINASA SA PAGHAGUPIT NG TD DANTE, EMONG

NASA 50,000 uniformed personnel ang ikinasa ng pamahalaan para sa posibleng magiging epekto ng magkasunod na paparating na Bagyong Dante at Emong na inaasahang mananalasa sa Pilipinas na hindi pa nakababangon sa epekto ng Tropical Storm Crising at Southwest monsoon o Habagat na sumira ng multi-bilyong halaga ng imprastraktura at mahigit sa P300 milyong halaga ang nawasak na pananim at agrikultura.

“In terms of damages, meron pa tayong P4 billion worth of infrastructure damages as reported. Pero this is still subject for validation ng ating mga ahensya. And for agriculture naman, ang losses already amounts to 217.5 million pesos dahil apektado po ang ating corn, rice, and other high value crops na pananim dito sa ating bagyong ito,” ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.

Dahil tuloy-tuloy pa rin ang nararanasang pag-ulan dala ng habagat ay umakyat na sa 1.9 million katao ang bilang ng mga naapektuhan habang papalapit pa ang dalawang bagyong Dante at Emong.

“So as of today, we have a total of 533,213 families or close to 1.9 million individuals who are affected and are staying or close to 25,000 families are inside 732 evacuation centers,” ayon kay OCD OIC Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

“So, halos sa buong Luzon, hanggang Visayas and Mindanao ay meron po tayong ino-operate na a total of 732 evacuation centers as we speak,” dagdag pa ni Alejandro

Samantala, umakyat na sa 12 katao ang bilang ng inulat na nasawi base sa tala ng Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government, habang siyam pa lamang recorded dead sa Office of Civil Defense.

Sa ginanap na pulong balitaan nitong Miyerkoles sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, inihayag ni Alejandro, nasa 41 libong uniformed personnel, hindi pa kasama ang itinalaga ng PNP, ang naka-standby kaugnay sa papasok typhoon, Dante and Emong.

“Yung ating SRR assets on standby ay it’s it’s numbering around 15,000 sa Armed Forces of the Philippine, lamang. So nationwide po ‘yan, naka-standby. ‘Yung ating Bureau of Fire, meron silang 26,000 personnel on standby. ‘Yung ating Coast Guard, close to 5,000 individuals ay naka-ready.”

Samantala, nilinaw ni Alejandro na hindi sila nagkakalayo ng datos ng PNP hinggil sa bilang ng casualties. May proseso lamang umano silang sinusunod kaya hindi pa nagre-reflect ang bilang ng casualties na nakalap sa ground ng PNP o ng Bureau of Fire.

Kailangan pa umanong dumaan ang mga ito sa mga provincial DRRMO for validation bago mag-reflect sa kanilang record sa NDRRMC.

Nabatid na sa tala ng NDRRMC ay may pito pa lamang ang patay, pito ang sugatan at walo ang nawawala. (JESSE RUIZ)

9

Related posts

Leave a Comment