ARESTADO ang anim katao makaraang makumpiskahan ng mahigit P1.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operations sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela.
Kinilala ang mga arestado na sina Arjay Borja y Perez, Abegail Torres y Bagtas, Morris Bacod y Espeño, Geoffrey Cardinez, Jr. y Brillabrelle, Enrico Rosales, Jr. y Julian, at Erwin Manuel y Ramores.
Natiklo ang mga suspek dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto
17, at dakong alas-12:00 ng madaling araw noong Agosto 18 sa Brgy. 120, Caloocan City, at Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City.
Umabot sa 165 gramo ng umano’y shabu na may presyong P1,122,000 ang nakumpiska sa mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
