600 JEEPNEY DRIVERS SA MAYNILA INAYUDAHAN NG DSWD

INAYUDAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 600 jeepney drivers na bumibyahe sa Maynila.

Ang nasabing mga jeepney driver ay pawang mga miyembro ng Pasang Masda na nahirapang bumiyahe nitong nakalipas na mga araw dahil sa sunod-sunod na pag-ulan bunsod ng bagyo at habagat.

Nabatid na lubos na naapektuhan ang mga jeepney driver sa kanilang pagpasada bunsod ng pagbaha kaya’t hindi nakabiyahe.

Mismong si Ka Obet Martin na presidente ng Pasang Masda, ang humiling nito kay DSWD Sec. Rex Gatchalian na agad naman pinagbigyan ng kalihim.

Ang dalawa ang siyang nanguna sa pamamahagi ng relief goods sa mga tsuper ng jeep na ginanap sa Tondo. (JOCELYN DOMENDEN)

94

Related posts

Leave a Comment