7 ADIK NABITAG SA VALENZUELA

SWAK sa karsel ang pitong umano’y mga adik sa kanilang lugar nang matiklo sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

Magkakasunod na ibinalibag sa selda sina Jerry Colinares Jr., 25; Jemmeline Barbosa, 30; Lilibeth Lerit, 51; Eller Rabino Jr., 30; Mark Anthony Macaspac, 31; Michael Demie Quismundo, 30, at Jennifer Padua, 27, pawang mga residente ng lungsod.

Natiklo ang pito sa #430 Dulong Tangke, Brgy. Malinta, Valenzuela City dakong alas-11:40 ng hapon noong Setyembre 14 at nakuha sa kanila ang 2.5 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P 17,000 ang halaga, buy-bust money, P400 cash at tatlong cellular phones.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

180

Related posts

Leave a Comment