7 NEW COVID DEATHS SA CAMANAVA

NAKAPAGTALA ng pitong bagong namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 3, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, apat ang patay sa Caloocan City at 1,559 ang active cases. Pumalo na sa 26,886 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 24,564 na ang gumaling at 763 ang namatay.

Dalawa naman ang namatay sa Navotas City at 413 ang active cases makaraang 16 ang nagpositibo at 31 ang gumaling.

Sumampa na sa 10,528 ang tinamaan ng COVID sa siyudad, kung saan 9,783 na ang gumaling at 332 na ang namatay.

Isa naman ang patay sa Valenzuela City at 940 ang active cases matapos na 274 ang makarekober at 187 ang nagpositibo.

Umakyat na sa 17,737 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa bilang na ito ay 16,385 na ang gumaling at 412 ang binawian ng buhay.

Samantala, nanatiling 404 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang mapalad na walang naiulat na namatay sa nasabing petsa.

Gayunman, 60 ang nadagdag na confirmed cases at 12,368 na ang positive cases, 404 dito ang active cases.

Umabot naman sa 157 pasyente ang gumaling at sa kabuuan ay 11,560 na ang recovered patients. (ALAIN AJERO)

116

Related posts

Leave a Comment