7 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MASBATE

PITONG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng military at siyam na mataas na kalibre ng baril ang nasamsan matapos ang isang madugong sagupaan nitong Linggo ng umaga sa Barangay San Mateo, Uson, Masbate.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, bandang alas-6:00 ng umaga ay nakasagupa ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ang mga kasapi ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng KLG South, SRC4, Bicol Regional Party Committee (BRPC), na tumagal ng mahigit 30 minuto.

Sa isinagawang clearing operation sa encounter sites ay narekober ng military ang apat na M16 rifles, dalawang M203 grenade launchers, isang M14 rifle, isang M653 rifle, isang Bushmaster rifle, at personal belongings at subversive documents na pinaniniwalaang may intelligence value.

Ayon kay Lt. Gen. Cerilo Balaoro, ng Southern Luzon Command, malaking dagok sa mahina nang pwersa ng Communist Terrorist Group ang nangyaring engkwentro.

Subalit nilinaw ng Army 9th Infantry Division (9ID) na hindi engkwentro ang pangunahing solusyon sa insurgency. Patuloy na hinihikayat ng military ang nalalabing mga NPA na talikuran na ang maling ideolohiya at samantalahin ang alok na pagbabagong buhay ng Marcos administration.

“The operation is part of the intensified focused military operations (FMO) of Joint Task Force Bicolandia,” ayon kay Major General Aldwine I. Almase ang bagong pinuno ng 9ID. (JESSE RUIZ)

104

Related posts

Leave a Comment