7 TIMBOG SA BUY-BUST SA VALENZUELA

NADAKIP ng mga awtoridad ang pitong hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator, P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas-10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Joel Magregalejo, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega, sa #3613 Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.

Agad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Benson Maguigad, 44, tricycle driver, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Kasama ring nadakip sa operasyon sina Elmer Martin, 48; Arnold Carabbacan, 59; Luis Carvajal, 52; Christopher Sison, 43, at Jeffrey Restum, 32, matapos maaktuhan ng mga operatiba na sumisinghot umano ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P20,400 ang halaga, buy-bust money, P640 cash, limang cellphone, dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Dakong alas-3:00 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU, si Francis Cruz, 40, ng Ilocto St., Parada sa isinagawang buy-bust operation sa Santolan Road, Brgy. Gen. T. De Leon.

Ani SDEU investigator PSMS. Fortunato Candido, nakuha kay Cruz ang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P20,400 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 cash, cellphone at isang motorsiklo. (FRANCIS SORIANO)

149

Related posts

Leave a Comment