8 NPA PATAY SA AFP STORMTROOPERS

TULOY-TULOY ang pagkawasak ng komunistang New People’s Army nang malagasan silang muli ng walong kadre makaraang makasagupa nila ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 8th Infantry “Stormtroopers” Division nitong Biyernes ng umaga sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, ang bagong hirang na Philippine Army chief, nakasagupa ng Army 8ID ang nalalabing kasapi ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ng Communist Terrorist Group (CTG) ng dalawang ulit nitong Huwebes sa Barangay San Isidro, sa Las Navas.

Walong NPA ang napaslang habang walong mataas na kalibre ng baril din ang nasamsam sa isinagawang clearing operation sa encounter sites, tanda ng isa na namang malaking dagok sa rebolusyonaryong kilusan sa Eastern Visayas.

Ayon kay Major General Adonis Ariel G. Orio, Commander ng Joint Task Force (JTF) Storm at 8th Infantry Division, utang nila ang matagumpay na tactical offensive sa tulong ng local residents mula sa dating conflict-affected communities.

Sinalakay ng mga sundalo ang heavily-fortified enemy hideout na napalilibutan ng International Humanitarian Law (IHL)-banned Anti-Personnel Mines (APMs), kaya napilitan ang mga sundalo na tumawag ng fire support.

Pasado alas-2:30 ng madaling araw, pitong NPA ang napatay habang limang M16 rifles, isang R4 rifle with an attached M203 grenade launcher, ang nabawi.

Patuloy na tinugis ng mga sundalo ang mga tumakas na NPA at bandang alas-10:00 ng umaga ay nasabat sila ng reinforcing troops ng 803rd Infantry Brigade at isa pang NPA ang napatay at nakunan ng isang R4 rifle.

Walang iniulat ang militar na anomang nasugatan mula sa kampo ng mga pwersa ng estado.

Ang grupong ito ang responsable sa pagkamatay ng dalawang sundalo at isang sampung taong gulang na bata nang salakayin nila isinasagawang community works sa Brgy. Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.

“We have repeatedly called on them to return to their families, but this group continues to cling to their twisted ideology that has claimed the lives of countless Filipinos,” ayon kay Joint Task Force Storm and 8ID commander Major General Adonis Ariel G. Orio.

“We therefore reaffirm our call to the remaining members of the CTGs, this may be your best chance to lay down your arms, abandon the armed struggle, and return to the fold of the law. We will not stop until Eastern Visayas is free from your acts of terror. We will hit you hard,” dagdag niya.

“Matagal nang walang suporta ang masa sa mga NPA dahil na rin sa kanilang ginagawang pangingikil at pananakot. Sa mga kapatid nating naligaw ng landas ako po ay nananawagan na kayo’y magbalik-loob na, mag-surrender, at makiisa sa mga inisyatibo at programang pangkapayapaan ng ating pamahalaan. Ang lokal na pamahalaan ng Las Navas, ang probinsya at pambansang pamahalaan ay narito at handa kayong tanggapin at tulungan sa inyong pagbabagong-buhay,” aniya pa.

(JESSE KABEL RUIZ)

126

Related posts

Leave a Comment