8 TIMBOG SA PNP-PRO5 ALL-OUT OPS VS DRUGS

ALINSUNOD sa hangarin ng gobyerno na masawata ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa, walong drug personalities ang arestado sa inilunsad na all-out operation kontra droga ng mga tauhan ni P/BGen.

Jonnel C. Estomo, PNP-Police Regional Office 5 Director.

Sa Naga City, naglunsad ng apat na magkakahiwalay na buy-bust operation ang Naga City Police Office (NCRPO) na nagresulta sa pagkakadakip sa walong hinihinalang tulak ng ilegal na droga noong Agosto 16.

Alas-tres y medya ng hapon sa Zone 4, Brgy. Balatas, Naga City, nahulog sa bitag ng pulisya ang isang 44-anyos na lalaking kinilalang si Richmond Evangelista, matapos itong positibong magpabili ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na 2 gramo ang timbang at P13,600 ang halaga.

Alas-nuwebe naman ng gabi sa Zone 6, M. Factora St., Clupa, Brgy. Calauag, Naga City, huli rin sa akto habang nagpapabili ng ilegal na droga ang magka-live-in na sina Michelle Garganta y Romero, 26-anyos, at Jhojie Indalicio yAmbait, 27-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang P3,000 ang halaga.

Samantala, makalipas ang sampung minuto, apat na lalaki naman ang timbog sa lantarang pagbebenta ng ilegal na droga sa San Quintin St., Zone 4, Brgy. Tinago, Naga City.

Tinukoy ang mga suspek na sina Ryan Banaag y Bailon, 33; Donald dela

Cruz y San Jose, 39; Arjon Perillo y Quirante, 18, at Archie Rosales y Capistrano, 42-anyos.

Tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na limang gramo at tinatayang P15,000 ang halaga, ang nakuha mula sa mga suspek.

Pagsapit naman ng alas-12:25 ng madaling araw noong Agosto 17, hindi pa rin nagpapigil ang mga operatiba ng PNP Bicol at naaresto ang 54-anyos na babaeng umano’y drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 7, Sagrada Familia, Brgy. Peñafrancia, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Amelia Cuaño y Macaayo na nakumpiskahan ng isang sachet ng umano’y shabu, na 5 gramo ang timbang at P15,000 ang street value.

Ang mga arestado ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JESSE KABEL)

193

Related posts

Leave a Comment