89 BRGY CHIEFS SUSPENDIDO

NAHAHARAP ngayon sa preventive suspension sa loob ng anim na buwan ang 89 na barangay kapitan dahil sa di umano’y iregularidad sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program.

“Itong mga barangay captains, I warned you. ‘Pag umpisa pa lang sinabi ko na do not f*ck with this. Itong pera sa pantawid. ‘Yong panahod ng covid na namigay ang gobyerno ng pera para sa mga

mahihirap. Sinabi ko na lalo na sa barangay level na ‘wag na ‘wag ninyo gawin,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“Now suspendido muna for six months then may hearing sa kaso mo. If a case is filed against you kasi pera ito, either pera na binulsa ninyo o hindi niyo ginamit o kung anong kabulastugan ang ginawa ninyo sa pera,” dagdag na pahayag ng pangulo saka pinangalanan ang mga punong barangay. (CHRISTIAN DALE)

156

Related posts

Leave a Comment