98.38% NG BICOL PNP BAKUNADO NA

UMABOT na sa 98.38% ang mga nabakunahan sa mga tauhan ng Police Regional Office 5. Ito ay resulta ng puspusang inoculation

program ng organisasyon upang matiyak ang kaligtasan ng bawat miyembro nito habang ipinatutupad ang kanilang mga tungkulin bilang frontliners.

Ayon sa talaan ng Regional Health Service 5, ang porsyentong nabanggit ay kinabibilangan ng 11,387 “fully vaccinated” at 1,280 na tauhan naman nito ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna. Ang datos na ito ay mula sa kabuuang pwersa ng yunit na 12,872.

Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief P/Major Maria Luisa Calubaquib, inaasahan na bago pa man matapos ang taon, ang lahat ng mga kawani ng PRO5 ay makokumpleto na ang bakuna.

Simula noong nakaraang taon, ang PRO5 ay nakapagtala ng 926 positibong kaso ng COVID-16 sa hanay ng pulisya. Mula sa datos ng RHS 5, 906 ang nakarekober na, 15 ang bagong dinapuan ng virus at dalawa naman ang namatay.

Samantala, pinaalalahanan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, PRO5 Regional Director, ang mga pulis huwag maging kampante bagkus ay panatilihin ang mahigpit na pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa panganib na dala ng virus.

Sa kabilang dako, sa gitna ng banta ng pandemya, puspusan pa rin ang paglulunsad ng anti-criminality campaign upang masigurado ang kaligtasan at kaayusan sa buong rehiyon.

“Napakalaking tulong na mabigyan ang ating mga miyembro ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 kaya naman pagsisikapan natin na ang lahat ng ating mga kawani ay mabigyan ng bakuna,” ayon kay RD Estomo. (JESSE KABEL)

169

Related posts

Leave a Comment