KLASE SA SUCs, LUCs PINAGBUBUKAS NG CHED SA AGOSTO

ched123

(NI MAC CABREROS)

SIMULA ngayong school year, dapat nang magbukas ang klase sa kolehiyo sa Agosto, inihayag ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa memorandum na inilabas ni CHED chair Prospero “Popoy” de Vera Jr., nitong Abril 5, itinakda sa mga state universities and colleges (SUCs) at local university and colleges (LUCs) na simulan ang academic year 2019-2020 sa Agosto.

“This is to synchronize its respective Academic Years to a Fiscal Year starting FY 2019 to ensure that starting FY 2020, all SUCs and LUCs have synchronized their academic year to a fiscal year,”pahayag De Vera.

Binigyan-diin De Vera na ang pagtatakda ng bagong academic calendar ay alinsunod sa Republic Act 7722 o Higher Education Act of 1994 at Commission En Banc resolution number 142-2019.

Aniya, layon nito na maging maayos at mapabilis ang pagpapalabas ng pondo.

“The memorandum enjoins SUCs and LUCs to shift their calendar to facilitate cash-based budgeting,” wika ni De Vera.

Ipinabatid ni De Vera na bago pa man inilabas ang memorandum ay marami nang SUCs at LUCs ang naglipat ng buwan sa pagbubukas ng klase.

Ayon pa kay De Vera, maaring hindi muna tumalima ang ilang mga unibersidad at kolehiyo sa direktiba dahil inaayos pa umano ng mga ito ang ilang sistema.

 

164

Related posts

Leave a Comment