Ibinida ni Magalong PATULOY NA PAGGAMIT NG ‘ROCK NETTING AT STUDS’ FAKE NEWS – SOLON

WALANG katotohanan ang isinisiwalat sa media ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa paggamit sa government projects ng mga “rock netting at studs” bilang slope protection sa gilid ng mga bundok para maiwasan ang mga landslide.

Ayon kay Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, pag-upo ng Marcos Administration ay ipinagbawal na ang paggamit ng “rock netting at studs” sa mga gilid ng bundok.

“Ang Congress nga ang nag-initiate para ipagbawal na ang paggamit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga “rock netting at studs” dahil hindi matibay at sayang lang ang pera ng bayan,” ayon kay Cong. Marcoleta.

Aniya, “fake news ang pinagsasabi ni Magalong dahil itinigil na ‘yan ng DPWH since last year.”

Dagdag pa niya, “baka ‘yan pa rin ang ginagamit ni Mayor Magalong sa mga slope protection n’ya sa kanyang nasasakupan”?

Ang “rock netting” ay ang paglalagay lang ng net o trapal sa gilid ng bundok para hindi ito gumuho habang ang mga “studs” naman ay mga bakal na kahalintulad din ang silbi.

Ang “rock netting” at paglalagay ng “studs” sa mga gilid ng bundok ay nauso noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino hanggang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Magalong, ang “rock netting at studs” ay walang silbi para pigilan ang pagguho ng bundok.

Dagdag pa ng Baguio Mayor, ito raw ang source ng korapsyon ng mga politiko dahil malaki ang kickback nila.

“Wala nang gumagamit ng rock netting at studs ngayon Mayor… bago mo pa isiwalat ito noong nakaraang buwan,” patutsada ni Marcoleta.

Samantala, pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si DPWH Sec. Manuel Bonoan sa pagpapalabas ng isang Department Order kamakailan na nagpapaalala sa lahat ng DPWH Regional Directors at District Engineers na bawal nang gumamit ng mga net o trapal at mga bakal sa mga gilid ng bundok.

261

Related posts

Leave a Comment