TAGUMPAY NINA CONG. OLIVAREZ, CONG. AMBEN AT KAP. CONSIGO

TARGET ni KA REX CAYANONG

LUBOS ang pasasalamat ni Parañaque City Congressman “Kuya” Edwin Olivarez dahil sa tagumpay na kanyang nakamit.

Aba’y sa katatapos lang na “Boses ng Bayan” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), nasungkit nila ang ika-5 na puwesto na may mataas na 85.7% Job Performance Rating.

Aniya, isang malaking karangalan na magsilbing tagapagtaguyod ng kanilang lugar bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Parañaque.

Ang tagumpay na ito ay likas na nagmula sa pagtutulungan at dedikasyon ng bawat isa sa kanila.

Hindi lang ito tagumpay ni Olivarez, kundi tagumpay ng buong lungsod.

Kasabay nito, top 2 muli sa Job Performance Rating ang ating idol na si Congressman Loreto “Amben” Amante sa lahat ng mga kinatawan sa buong CALABARZON.

Ayon pa rin iyan sa RP-Mission and Development Inc. na nagkasa ng performance evaluation sa kanilang hanay.

Nakabibilib na palagi siyang nasa ranggo ng nangungunang mga kongresista sa buong rehiyon.

Nagpapatunay ito ng kanyang kahusayan. Patuloy niyang pinatutunayan ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan at paghahatid ng serbisyong may puso.

Tunay nga na si Cong. Amben ay isang inspirasyon at idolo ng mga taga-Laguna.

Samantala, isang makabuluhang tagumpay ang nakamit ng Barangay 58M sa San Jose, Cavite City.

Sa kabuuang bilang kasi ng mga boto sa nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), si Kap. Zaldy Consigo ang nangibabaw matapos makakuha ng 382 na boto na nagpapatunay sa malakas na suporta at pagtitiwala ng ating mga kabarangay.

Kung hindi ako nagkakamali, 26 taon nang walang talo ang kanyang katunggali na si Kap. Junie delos Reyes (242 votes) habang natalo niya rin ang first kagawad na si acting chairman Frankie Arana (225 votes).

Sa kanila namang mga nagawa at kontribusyon, naging mas makulay ang demokratikong proseso sa kanilang barangay.

At sa lahat ng nagkakaisa para sa pag-unlad ng barangay, mabuhay kayong lahat.

Asahan ninyo ang mas marami pang tagumpay at pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Zaldy Consigo!

Mabuhay po kayo at God bless!

344

Related posts

Leave a Comment