(Ni FRANCIS SORIANO)
MULING binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 349 government officials na nagbibigay ng suporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng extortion money o permit to campaign fees
Ayon kay Chief PNP Gen. Oscar Albayalde, mahigpit nilang binabantayan ang mga kasalukuyang nakaupo at tumatakbong 10 congressmen, 11 governors; 5 vice governors; 10 board members; 55 mayors; 21 vice-mayors, 41 councilors, 126 barangay chairmen, 50 barangay councilors, at 8 barangay officials at 11 dating nakaupo mula sa Local Government Unit (LGU) at isang dating congressman.
Dagdag pa ni Albayalde na ang pagbibigay ng suporta sa komunistang grupo ay isang kataksilan o disloyalty na maaaring maparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code partikular ang paglabag sa Republic Act 10168 o ang The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
146