BOC AT BI NAGSANIB SA E-TRAVEL SYSTEM

INIHAYAG ng Bureau of Customs ang pagsasama ng E-Travel System ng Bureau of Immigration at ng kanilang E-Travel Customs System.

Paliwanag ng BOC, ang integrasyon ng Electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF) at ng Electronic Currencies Declaration Form (e-CDF) sa E-Travel System ng BI ay magpapadali sa data collection processes para sa mga pasahero at crew members na dumarating sa Pilipinas.

Higit dito ay mapadadali na rin ang pagtanggap ng Customs sa mga impormasyon para sa risk profiling ng paparating na mga pasahero.

“This enhances the overall passenger experience and enables the BOC to receive advanced information for effective risk profiling. Additionally, timely sharing of information with AMLC and BSP strengthens the nation’s commitment to combat money laundering and ensure financial security,” paliwanag ni BOC Comm. Rubio

Paliwanag ng Aduana, makatutulong din ito para mapalakas ang paglaban ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council sa money laundering at sa pagtiyak ng financial security.

Habol pa ni Rubio, tiwala siya sa potensyal ng E-Travel Customs System’s para ma-revolutionize ang customs processes…, “This collaborative initiative demonstrates our commitment to innovation and efficiency in customs management. The E-Travel Customs System will play a pivotal role in ensuring the security of our borders and fostering a seamless travel experience for all.”

“We are dedicated to advancing our customs practices, aligning with global standards, and safeguarding the interests of our nation,” pahayag pa ng commissioner, kasunod ng pagkilala sa kanilang partnership kasama ang BI, DICT, BSP at AMLC.

(JESSE KABEL RUIZ)

202

Related posts

Leave a Comment