OCD NAGBABALA NG AFTERSHOCKS KASUNOD NG MAGNITUDE 7.1 QUAKE SA DAVAO OCCIDENTAL

AGAD na naglabas ng babala ang Office of Civil Defense (OCD), ang operational armed ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), sa publiko na posibleng makaranas ng malakas na aftershocks ang ilang lugar sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ito ay matapos na yanigin ng magnitude 7.1 earthquake ang Sarangani Island sa Davao Occidental nitong madaling araw ng Martes base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ang nasabing lindol ay kasunod lamang ng nangyaring magnitude 7.4 earthquake sa Surigao del Sur, isang buwan lamang ang nakalilipas.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol na natunton may 76 kilometers ang lalim, ay nagresulta ng Intensity IV quake sa Malungon, Alabel, at Kiamba, Sarangani.

Hindi naman naglabas ng destructive tsunami alert ang mga awtoridad kasunod ng pagyanig, na ayon sa US Geological Survey ay nasa 6.7 magnitude na tumama, may 100 kilometers southeast ng Sarangani .

Wala pang iniulat na nasaktan o napinsala sa nasabing lindol, ayon kay Harly Sauro, disaster official sa bayan ng Sarangani bagama’t lumikha ito ng takot sa naalimpungatang mga residente.

(JESSE KABEL RUIZ)

 

177

Related posts

Leave a Comment