P7.507-M SHABU NASABAT SA BOC PORT OF CLARK

NAPIGILAN ng Bureau of Customs-Port of Clark ang tangkang pag-export ng P7.507 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride sa isang shipment na idineklara bilang “shaft drive mo­del”, na patungo sana sa New Zealand noong Enero 3, 2024.

Ang nasabing export shipment na nagmula sa Parañaque City ay unang na-tag bilang kahina-hinala sa pamamagitan ng X-ray Inspection Project personnel.

Dahil dito, agad itong isinailalim sa K9 sniffing and physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre sa tatlong pakete ng white crystalline substances na may timbang na 1,104 gramo, na inilagay sa loob ng isang shaft drive.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang chemical laboratory analysis na ang substances ay methamphetamine hydrochloride, o mas kilala bilang “shabu”, isang dangerous drug sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Si District Collector Erastus Sandino Austria ay nag-isyu ng warrant of seizure and detention laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Republic Act 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kaugnayan sa RA 9165.

Pinuri naman ni District Collector Austria ang Port of Clark personnel sa pagpigil sa exportation ng nasabing illicit substances.

Kasabay nito, binigyang-diin niya na ang Port of Clark ay nananatili sa mahigpit na pagkontrol ng customs at pagbabantay ng law enforcement upang labanan ang illegal drug trafficking.

(JOEL O. AMONGO)

136

Related posts

Leave a Comment