GOOD NEWS PARA SA FILIPINO COMMUTERS

MY POINT OF BREW ni JERA SISON

LUMABAS nitong nakaraang dalawang linggo ang magandang balita para sa mga komyuter. Hindi pa man nagsisimula ang operasyon ng kauna-unahang underground railway sa bansa, panay na ang ginagawang mga pamamaraan upang masiguro na mapatatakbo nang maayos ang ating subway train.

Mainam na pagkakataon para sa mga Pilipino na makamit ang magandang karanasan sa pagbabyahe. Alam naman natin kung gaano kahirap maging isang komyuter.

Anomang modernisasyon sa sektor ng transportasyon ay labis na makatutulong sa mas nakararaming Pilipino na nakasalalay sa paggamit ng pampublikong transportasyon,

Kaya naman isang magandang balita ang inilahad na commitment ng Meralco na maglaan ng P280 milyon para sa Metro Manila Subway Project.

Importante talaga ang kahandaan ng kumpanya na maging bahagi sa masusing pag-unlad ng pampublikong imprastruktura.

Sa pangunguna ni Manuel V. Pangilinan, ito’y nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pribadong sektor sa pagtataguyod ng mga proyektong makatutulong sa bansa.

Sa pinirmahang kasunduan para sa bagong Metro Manila Subway Project (MMSP) 115 kV switching station sa Barangay Ugong, Valenzuela City, lumalim ang pakikipagtulungan ng Meralco at Department of Transportation (DOTr) upang mapanatili ang sapat at matatag na suplay ng kuryente para sa itatayong subway.

Ang pagtatag ng switching station ay isang hakbang patungo sa mas moderno at maaasahang sistema ng transportasyon.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime J. Bautista, ang proyektong ito ay magtataguyod ng mas malalim na kahulugan ng pagtutulungan ng sektor ng pampubliko at pribadong negosyo. Ipinakikita nito na ang pagsulong ng malalaki at mahahalagang mga imprastraktura ay hindi maaaring maging epektibo nang mag-isa.

Sa pangunguna ni Meralco Executive Vice President at Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho, ito ang hudyat ng kumpanya sa kanilang buo at pangmatagalang suporta sa Metro Manila Subway.

Inaasahan ang pagtatapos ng konstruksyon ng switching station ng Meralco sa 2026, na magbubukas ng pintuan sa mas mabilis at mas modernong sistema ng transportasyon.

Ang pangako ni Aperocho na patuloy na susuportahan ang mga proyektong makatutulong sa pag-unlad ng bansa, partikular sa aspeto ng transportasyon at energy security, ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas malawakang kaunlaran.

Ipinakikita nito ang pagkilala sa papel ng pribadong sektor sa pagsulong ng mga proyektong may malalim na epekto sa buhay ng mamamayan. Sa kanyang pahayag, inaasahan na magdudulot ng malaking pagbabago ang Metro Manila Subway sa pamumuhay sa sentro ng ekonomiya ng bansa, at nangako ang Meralco na magsilbing tulay sa paghahatid ng tuloy-tuloy, maaasahan, at sustainable na suplay ng kuryente.

Sa kabuuan, ang nasabing proyektong ito ay isang halimbawa ng epektibong pagsasama ng sektor ng pampubliko at pribadong negosyo para sa ikabubuti ng sambayanan.

252

Related posts

Leave a Comment