SURVEY FIRMS PINATUTULONG SA VOTERS EDUCATION

IGINIIT ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga poll survey outfit tulad ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) na tumulong maturuan ang mga Pilipino sa tamang pagboto.

Ginawa ni Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag dahil maraming kuwalipikadong kandidato lalo na sa senatorial race ang hindi nakapapasok sa survey dahil hindi sikat.

“Poll survey outfits must contribute to voters’ education by asking the more relevant questions on the choice of aspirants for public office,” ayon kay Lagman.

Kailangan aniyang gumawa ang mga ito ng tanong hinggil sa kwalipikasyon, kakayahan at integridad ng mga senatorial aspirant na kanilang iboboto upang makapamili ng tamang kandidato ang mga botante.

Sa ngayon aniya, ang laging tanong ng mga poll survey outfits ay “kung ngayon araw ang botohan, sino ang iboboto mo” kung saan magbibigay ng pangalan ang mga ito.

Itinuturing ni Lagman na popularity survey ang ganitong tanong kaya balewala na kung may kakayahan ang mga napili ng mga tinanong kung may kakayahan ang kanilang pinili na maging senador, congressmen at pangalawang pangulo at pangulo.

Dahil dito, laging nagkakamali aniya ang mga botante sa pagpili ng iboboto.

“A comic can entertain a crowd, but he cannot serve well as a public functionary,” ayon pa sa kongresista kaya dapat aniyang magtulungan ang Commission on Elections (Comelec) at survey firms para maturuan ang mga botante ng tamang pagpili ng mga kandidato. (BERNARD TAGUINOD)

81

Related posts

Leave a Comment