WALANG HARASSMENT SA KASONG MURDER VS 2 MASBATE MEDIA WORKER

MASBATE City – Lehitimo at walang kulay pulitika o media harrasment ang isinampa na kasong murder laban sa dalawang media workers ng DyME radio station sa lalawigan ng Masbate.

Sa pahayag ni Ruben Fuentes, presidente ng Masbate Quad Media Society, Inc., kanyang sinabi na batay sa information na isinampa ni Provincial Prosecutor Jeremias Mapula sa Cataingan Regional Trial Court Branch 49 noong Hulyo 2, 2024, ang mga kasong kinakaharap nina Benjamin Gigante alyas ‘Ka Ben’ at Jhay Alfaro alyas ‘Ka DJ’ na umano’y renegade member ng MQMSI, kasama sina Bernie Naraja alyas ‘Ka Rem’ at Reymund Dosdos alyas ‘Ka RM’ ay may kaugnayan sa pagpatay sa isang Richard Bauso noong Abril 6, 2024 sa Barangay Taverna, Cawayan.

Sa criminal complaint na may docket no. NPS V-12-PEO78-24E-078 ay nakasaad na nakitaan ng probable cause ang akusasyon kaya ito ay isinumite ng piskalya sa korte.

Nabatid na ang pagkakadawit ng mga akusadong sina Gigante at Alfaro sa naturang kaso ay dahil pinaghihinalaang may koneksyon ang mga ito sa armadong komunistang grupo.

Ang mga dahilan nito ay ang kanilang pagbabalita at pagbabahagi ng mga pahayag ng kilusan sa social media sa pamamagitan ng isang Luz Del Mar, na umano’y kilalang miyembro ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Fuentes ay walang kinalaman ang pulitika sa Masbate sa naturang kaso ng tinawag niyang renegade member ng samahan na kanyang pinamumunuan.

“Linawin ko lang na walang katotohanan ang naunang ulat sa pahayagang nasyunal na media harassment ang dahilan ng pagsampa ng murder case kasi dalawa sa akusado ng nasabing kaso ay mga kilalang supporter ni Gov. Antonio Kho, ang sinasabing pulitiko na nag-udyok sa pamilya ng biktima na maghain ng reklamo,” mariing pahayag ni Fuentes.

Nilinaw pa ni Fuentes na isa siya sa naghain noon ng kaso sa laban kay Gov. Kho, “pero nadismis na ng Ombudsman ang mga asunto dahil sa walang pag-sang ayon ang Commission on Audit sa mga detalye ng aking mga bintang,
maging sa proseso ng paghain ko ng asunto.

Ayon kay Fuentes. ang mga kamag-anak at awtoridad ang nagsampa ng reklamo sa mga ito sa piskalya na inaksyunan at iniakyat sa korte.

“Hinihikayat ko ang aking mga kasamahan sa MQMSI na ‘wag sana tayong magpapagamit sa away ng mga pulitika at panatiliin natin ang balanse a oatas na pag-uulat at wag natin ipagamit ang ating propesyon sa kasinungalingan ng isang pulitiko para lang siraan ang kanyang kalaban,”mariing panawagan ng pangulo ng MQMSI sa kanyang mg miyembro.

127

Related posts

Leave a Comment