MARIING kinalampag nitong mga nagdaang araw ang Senado at Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng mga panawagang imbestigahan din ang tinawag na ‘Insertion Mafia’ sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na ibinulgar kamakailan ng isang digital news platform.
Sa nasabing news report ay pinangalanan ang isang Usec Faye De Sagon na bahagi umano ng ‘kickback scheme’ ng grupong sinasabing nasa likod ng pagsingit ng bilyon-pisong pondo sa badyet ng national government para sa DICT.
Iba’t ibang mga komento pero nagkakaisa ang panawagan ng netizens sa social media na tuldukan na ang katiwalian sa pondo ng gobyerno.
“Parang totoo ang tsismis na across all govt agencies ang insertions,” sabi ni @virgilio-m7g sa kanyang YouTube reaction.
“Dapat na maimbestigahan sa Senado ‘yan,” sambit ni @jubeflaviniano… na tinugon naman ni @eddievillamor ng “DeSagon b—tay, b-tayin.”
Tunog panghihinayang naman si @ellehciream9773: “I am a fan pa naman of Atty. De Sagon. I watch her vlogs and her other best friend lawyers.”
“Tanggi now iyak later! Dapat sumalang din ‘yan sa ICI,” ang sabi naman ni @melanio maghirang5993, patungkol sa denial ng mga nasasangkot.
Lahatan naman ang pananaw ni @agentvx6524: “Total cleansing talaga dapat ang mangyari sa Pinas. Ang daming magnanakaw!! Mga walang kahihiyan sa sarili. Antataas pa naman ng mga pinag aralan.”
Umaasa naman si @jaonesse sedusma333 sa kanyang reaksiyon: “Matagal na yang mga yan, salamat at mukhang matutuldukan ngayon, salamat Mahal na pangulo sana mapasabatas ang death penalty sa kurapsiyon.”
Nanawagan naman sa mga senador si @mango-lemon19:
“Senators pls look for this issue… hindi itataya ng nagsiwalat ang buhay nya kung walang katotohanan ito.”
Sa nabunyag na katiwalian sa DICT ay inilarawan si De Sagon na umano’y taga-kumpas ng mga tao at proyekto sa ahensiya at sinasabing bahagi siya ng tinawag na ‘insertion mafia’ na umaareglo ng pagsingit ng badyet sa mga proyekto para sa komisyon o kikbak.
Nagagawa umano ito ni De Sagon dahil madalas siyang umaaktong ‘de facto DICT secretary’ tuwing wala si Secretary Henry Aguda.
Iniugnay rin si De Sagon sa mga taong nasasangkot sa kontrobersiya ng budget insertions at flood control kagaya nina dating Cong. Zaldy Co at resigned DepEd Usec Trygve Olaivar.
Nauna nang itinanggi ni Usec De Sagon ang nabanggit na mga paratang at mariing nilinaw na walang katotohanan na bahagi siya ng kickback scheme na modus umano ng tinatawag na “insertion mafia” sa DICT.
11
