ARMY JUNIOR OFFICER PATAY SA PAGRESPONDE VS NPA

CAMARINES SUR – Sinalubong ng bala ang mga tauhan ng Philippine Army na nagresponde sa sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng mga nangingikil na kasapi umano ng Communist New People’s Army na naging sanhi sa pagbuwis ng buhay ng isang military junior officer noong Linggo sa bayan ng Bula sa lalawigan.

Patay sa engkwentro si 2Lt. Ramir De Leon ng 9th Infantry (Sandigan) Battalion, na siyang nanguna sa tropa ng Philippine Army na tumugon sa sumbong ng mga residente sa Barangay Lubgan, sa bayan ng Bula hinggil sa panggugulo at pangingikil ng CPP-NPA.

Sa kasamaang palad, tinamaan si De Leon at kalauna’y nalagutan ng hininga.

Mariing kinondena ng Joint Task Force Bicolandia ang pag-atake ng NPA, ang armadong galamay ng CPP, na nagresulta sa pagkakaroon ng takot at pangamba ng mga residente sa lugar, at ikinamatay ng isang sundalo.

Tiniyak naman ng Joint Task Force Bicolandia na hindi nila lulubayan ang nalalabing rebeldeng komunista base na rin sa kautusan ni Pangulong PBBBM na wakasan insurhensya sa Bicol Region. (JESSE KABEL RUIZ)

114

Related posts

Leave a Comment