52.2 DEGRESS CELSIUS HEAT INDEX NAITALA SA VIRAC

hot temperature1

UMABOT sa 52.2 degrees Celsius, Miyerkoles ng hapon, ang heat index sa Virac town, ang pinakamataas sa kasalukuyang taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang nakaraang pinakamataas na heat index ay naitala sa 51.7 degrees sa Dagupan City, Pangasinan noong Abril 9.

Sinabi ng Pagasa na ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng tao.

Sinabi ng weather bureau na ang heat index na 41 degrees Celsius o higit pa ay maituturing na nasa delikadong antas sa kalusugan.

Ang iba pang lugar sa bansa na nakararanas ng mataas na heat index na delikado sa tao ay:

Guiuan, Eastern Samar – 50.4 degrees
Calapan, Oriental Mindoro – 46.4 degrees

Dipolog, Zamboanga del Norte – 44.9 degrees

Surigao City, Surigao del Norte – 43.9 degrees
Roxas City, Capiz – 43.6 degrees
San Jose City, Occidental Mindoro – 43.2 degrees
Legaspi City, Albay – 43.1 degrees
Mactan, Cebu – 42.7 degrees
Ambulong, Batangas – 42.6 degrees
Catarman, Northern Samar – 42.6 degrees
Maasin, Southern Leyte – 42.3 degrees
Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42.3 degrees
Cayo, Palawan – 42 degrees
Hinatuan, Surigao del Sur – 42 degrees
Tayabas City, Quezon – 41.8 degrees
Catbalogan, Western Samar – 41.6 degrees
Butuan City, Agusan del Norte – 41.4 degrees
Pasay City, Metro Manila – 41.4 degrees
Sangley Point, Cavite – 41.2 degrees
Davao City, Davao del Sur – 41 degrees

Ipinaalala ng Pagasa na manatili na lamang sa loob ng bahay ang mga tao at kung maaari ay magsuot lamang ng preskong damit.

165

Related posts

Leave a Comment