NAG-OVERTAKE NA RIDER PATAY SA TRUCK

QUEZON – Patay ang isang 37-anyos na lalaki habang sugatan ang kapatid nito matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na Elf truck sa National Road, Sitio Central 2, Brgy. Madulao sa bayan ng Catanauan sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si JR Quimora Ariola dahil sa grabeng pinsala sa ulo at mga hita.

Isinugod naman sa Bondoc Peninsula District Hospital ang backrider na kapatid nito na si Jericho Quimora Caguete, 18-anyos.

Ayon sa report ng Catanauan Police, nangyari ang aksidente dakong alas-11:30 ng umaga nang mag-overtake ang motorsiklo sa isa pang sasakyan habang dumaraan sa isang tulay na ‘no passing zone’.

Hindi agad ito nakabalik sa kanyang linya kaya bumangga ito ‘head on’ sa kasalubong na truck.

Sumuko sa pulisya ang driver ng truck habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari.

Napag-alaman na kapwa walang suot na helmet ang magkapatid nang mangyari ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

141

Related posts

Leave a Comment